Now Playing Tracks

LOVE <3

Magshare lang ako ng story ng lovelife ko dati… kakapanood ko lang kasi ng A Crazy Little Thing Called Love…

Ang sarap ng feeling ng naiinlove… Naalala ko nang nagkaroon ako ng girlfriend nung 4th year high school… ang mahirap lang dun, naging kami nung pa-graduate na kami so maikli lang ang panahon na nagkasama kami… kailangan ko nang pumunta sa Manila para mag-aral sa UP… nung kami ay maghiwa-hiwalay na ng landas, sobrang umiyak ako kasi mamimis ko lahat ng kaibigan ko at nalulungkot ako sa fact na maglalayo kami ng girlfriend ko eh ialang araw palang kaming naging kami… :(

sobrang namiss ko siya nun pero after almost 2 years of long distance relationship, nagdecide kaming maghiwalay… mutual naman ung decision though mahirap sa aming dalawa pero we decided na ayusin muna ung iba naming priorities sa buhay namin like ung studies at iba pa… It seems hindi pa ako ready na magcommit talaga sa isang relationship kaya pumayag ako at “pinalaya” ko siya… :( malungkot pero mas malungkot kung hindi siya magiging masaya sa akin… so ayun , naghiwalay kami pero I’m still hoping that time na magkakabalikan kami… honestly, hanggang ngayon, umaasa pa rin ako kahit parang wala na talaga…

I’m still looking at her pictures sa FB… matagal na kasi kaming di nagkikita… sana magkita kami… I still love her…

To Tumblr, Love Pixel Union